A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe….

Written by

in

A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag at tukuyin kung tama ang mensahe. Piliin ang salitang PABILI kung TAMA at PATAWAD kung MALI. Bigyan Eksplanasyon ang bawat sagot.
1. Ang pamilihan ay ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
PABILI
PATAWAD
2. Mayroong tatlong pangunahing aktor sa pamilihan ang konsyumer, prodyuser, at ang produkto.
PABILI
PATAWAD
3. Nagaganap ang sistema ng pamilihan dahil lahat tayo ay may kakayahan na mag-supply.
PABILI
PATAWAD
4. Sa pamamagitan ng pamilihan nalalaman ang sistema ng ekonomiya.
PABILI
PATAWAD
5. Ang prodyuser ay may kakayahang kontrolin ang presyo sa pamilihang may ganap na kompetisyon.
PABILI
PATAWAD
6. Ang supply ang nagsisilbing hudyat o senyales sa prodyuser kung ano ang gagawing produkto.
PABILI
PATAWAD
7. Kapag tumaas ang presyo, ang mga prodyuser ay nahihikayat na magbawas ng supply lalo na sa mga pangunahing uri ng produkto.
PABILI
PATAWAD
8. Ang presyo ang pangunahing salik sa pagbabago ng demand at supply sa pamilihan.
PABILI
PATAWAD
9. Kapag mababa ang presyo sa pamilihan ang konsyumer ay nagtataas ng kabuuang dami ng binibiling produkto.
PABILI
PATAWAD
10. Ang kartel ay nangangahulugang alliances of consumers.
PABILI
PATAWAD
11. Ang estruktura ng pamilihan ay tumutukoy sa balangkas na umiiral sa sistema ng merkado kung saan ipinapakita ang ugnayan ng konsyumer at prodyuser.
PABILI
PATAWAD
12. Uri ng mga produkto sa pamilihan tulad ng semento, bakal, ginto at petrolyo ay halimbawa ng produktong ipinagbibili sa estruktura ng pamilihan na tinatawag na monopolyo.
PABILI
PATAWAD
13. Oligapolyo ay uri ng pamilihan na iisa lamang ang prodyuser na gumagawa ng produkto o nagbibigay ng serbisyo kung kayat walang pamalit o kahalili.
PABILI
PATAWAD
14. Ang patent ay pumoprotekta sa mga imbentor at kanilang mga imbensyon.
PABILI
PATAWAD
15. Ang sabong panlaba, toothpaste, pabango, fabric conditioner, at cellphone ay mga halimbawa ng mga produktong ipinagbibili sa estruktura ng pamilihan na ang tawag ay oligapolyo.
PABILI
PATAWAD
B. Bigyan Eksplanasyon ang bawat sagot.
1. Isang organisadong sistemang pang-ekonomiya kung saan nagtatagpo ang konsyumer at nagbibili o prodyuser upang magkaroon ng palitan.
A. Pamilihan
B. Pamahalaan
C. DOLE
D. BFAD
2. Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
A. Pamilihan
B. Pamahalaan
C. DOLE
D. BFAD
3. Ang patakarang ipinatutupad ng pamahalaan upang mapatatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa pamilihan.
A. Subsidiary
B. Shortage
C. Price Stabilization Program
D. Surplus
4. Ito ay tumutukoy sa pinakamataas na presyo na maaaring ipagbili ng isang negosyante ang kaniyang produkto.
A. Price Ceiling
B. Price Floor
C. Price Stabilization Program
D. Price Support
5. Ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa).
A. Price Ceiling
B. Price Floor
C. Price Stabilization Program
D. Price Freeze
6. Isa sa mga ahensiya ng pamahalaan na ang tungkulin ay palawigin ang sistema ng kalakalan at industriya sa bansa.
A. BFAD
B. DTI
C. DOLE
D. HLURB
7. Isang pansamantalang pangyayari sa pamilihan na kung saan, ang supply ng produkto ay hindi sapat sa planong ikonsumo ng tao.
A. Price Ceiling
B. Price Floor
C. Surplus
D. Shortage
8. Ang tawag sa pinakamababang presyo na itinakda ng batas sa mga produkto at serbisyo sa pamilihan.
A. Price Ceiling
B. Price Floor
C. Surplus
D. Shortage
9. Isang pangyayari sa pamilihan kung saan may sobra o higit ang supply ng mga produkto sa dami ng planong ikonsumo.
A. Price Ceiling
B. Price Floor
C. Surplus
D. Shortage
10. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ayon sa Konstitusyon?
A. Paglingkuran at Pangalagaan
B. Paglingkuran
C. Pangalagaan
D. Pamahalaan

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *